-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 10 12 20 11

Naging mapayapa ang isinagawang paggunita ng ika-159 taong kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio ngayong araw ayon sa Philippine National Police.

Ito ay sa kabila ng ilang mga kilos protesta na ikinasa ng ilang militanteng grupo sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Ayon sa pambansang pulisya, bagama’t may ilang kilusang isinagawa ang ilang mga grupo ay wala naman anilang naitala na untoward incident na may kaugnayan dito.

Samantala, sa bukod naman na pahayag ay sumaludong muli ang Philipine National Police sa pangunguna ni PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. sa kabayanihan at kagitingan ni Gat Andres Bonifacio para sa ating bayan.

Ngunit binigyang-diin niya na hindi rin aniya dapat na malimutan ng lahat na pahalagahan din ang marami sa ating mga kababayang itinuturing din na “modern-day heroes”.

Kabilang na rito ang mga alagad aniya ng batas na buong tapang at walang halong pag-iimbot na itinataya ang kanilang sariling buhay para sa kapayapaan at seguridad ng ating inang bayan.