Irerekomenda ng Department of Justice kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggawad ng executive clemency para sa 300 inmates sa mga bilangguan sa Bureau of Corrections.
Ayon kay DOJ Spokesperson Jose Dominic F. Clavano IV, na mayroong 300 candidate para sa executive clemency na magmumula sa Board of Pardons and Parole (BPP).
Aniya, inihahanda na ni DOJ Undersecretary Deo L. Marco na miyembro ng board ang listahan ng mga inmates at posibleng maisumite ito hapon ng huwebes o umaga ng Biyernes sa Office of the President at sa Office of the Executive Secretary.
Inaasahang lagdaan ng Pangulo ang paggawad ng executive clemency sa mismong araw ng kaniyang kapanganakan sa Setyembre 13.
Ang executiev clemency ay may apat na uri base sa Article VII, Section 19 ng 1987 Constitution kabilang ang reprieve, absolute pardon, conditional pardon with or without parole conditions at commutation of sentence na ginagawad ng Pangulo.
Makakatulong din ang paggawad ng executive clemency sa mga kwalipikadong preso para sa decongestion ng mga prison facilities ng BuCor.










