Naniniwala si Atty. Antonio “Audie” Bucoy ng Free Legal Assistance Group (FLAG), lalo umanong napatunayan ang pagiging “authentic” ng video kung saan pinagbantaan ni Vice President Sara Duterte sina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Marcos, at dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Ito ay matapos gamitin mismo ng defense team ni VP Sara ang naturang video sa gitna ng impeachment trial.
Giit ni Bucoy, ang paggamit ng depensa sa video ay malinaw na pagkilala na totoo ang nilalaman nito.
Muling uminit ang isyu nang pagtalunan kung gagamitin ang mahigit dalawang minutong video o ang full video na umaabot sa dalawang oras.
Sa kabila ng pagtutol ng kampo ni VP Sara, naniniwala ang ilang legal experts na ang naturang video ay may bigat bilang ebidensya sa kasalukuyang paglilitis.
Patuloy namang binabantayan ng publiko ang magiging epekto ng paggamit ng video sa direksyon ng impeachment trial.
















