-- Advertisements --
e vehicle

Inaasahang lalo pang lalago ang domestic electric vehicle (EV) market sa bansa ng hanggang sa 30%.

Ito ay kasabay pa rin ng pagpasok ng mas maraming model na may mas mababang presyo.

Ayon kay Patrick Aquino, director at the Department of Energy Utilization Management Bureau (EUMB), namementena ng industriya ng electric vehicle ang hanggang 30% na paglago kada taon.

Inihalimbawa nito ang 9,666 na nairehistrong EV units nitong nakalipas na taon.

Binubuo ito ng 8,100 na may dalawa at tatlong gulong, 1,160 na sports utility, at 346 na sedan.

Batay naman sa projection ng Electric Vehicle Association of the Philippines (EVAP), posibleng aabot na sa 6,616,750 ang stock ng mga nasabing behikulo sa buong bansa pagsapit ng 2030.

83.12% dito ay binubuo ng mga dalawa ang gulong habang 5.29% ay binubuo ng mga passenger cars.