-- Advertisements --
Itinuturing ng ilang grupo na mas makabuluhan umano ang pagdiriwang ng ika-38 anibersaryo ng People Power Revolution dahil sa itinutulak na charter change.
Para kay Bagong Alyansang Makabayan Secretary-General Mong Palatino, hindi lang umano ito araw ng komemorasyon ng EDSA Revolution bagkus ay isa ring pagkakataon upang labanan ang cha-cha.
Sinegundahan naman ito ni Akbayan Party President Rafaela David dahil mas palalakasin umano nila ang kanilang boses para nagkakaisang labanan ang Cha-cha.
Hindi raw nila papayagan na mabalewala ang democratic institution para sa interest ng iilan.
Ayon kay Palatino, maaaring umabot sa 5,000 na katao ang maaaring lumahok sa gagawin nilang pagtitipon sa EDSA Shrine sa Pebrero 25.