Hinimok ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga Pilipino na ituon ang pagdiriwang ng Pasko sa pagmamahal, kagandahang-loob at pagmamalasakit sa kapwa.
Sinabi ito ni Speaker Romualdez kasabay ng kanyang pagbati ng “Maligayang Pasko sa inyong lahat!”
Ayon sa lider ng Kamara ang Pasko ay panahon upang muling iparamdam ang kahalagahan ng pamilya.
Ang Pasko ay hindi lamang umano panahon ng pagbibigay ng regalo kundi panahon din ng pagpapakita ng kagandahang-loob at pagmamalasakit sa kapwa.
Hinimok din ng lider ng Kamara ang bawat isa na dahil sa paparating na bagong taon ang pagkakaisa at pagmamahalan.
” May this Christmas be a time of joyous family reunions, selfless giving and strengthened community bonds. Together, Let’s carry this spirit of unity and love into the New Year,” pahayag ni Speaker Romualdez.