-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Mga magkakapamilya ang magkakasamang nagdiriwang ng Chinese New Year dahil sa pandemya sa China.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ng OFW sa China na si Rodalyn Alejandro, tubong Angadanan, Isabela na karaniwang may fireworks display sa pagsalubong ng chinese new year.
May sinusunod ding pamahiin ang mga chinese tulad ng hindi paglilinis at paliligo sa araw mismo ng chinese new year.
Bawal ding gumamit ng matulis na bagay tulad ng gunting.
Masasarap at mga bilog na pagkain ang karaniwang handa ng mga chinese.
Naniniwala rin sila sa mga lucky charms o pangpasuwerte na kanilang binibili tuwing pagdiriwang ng Chinese New Year.