-- Advertisements --

Muling umarangkada ngayong araw ang pagdinig ng House Committee on Amendments na pinangungunahan ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rpdriguez na nagsusulong na amyendahan ang 1987 constitutition.

Iba’t- ibang panukala ang tinalakay ng komite kaugnay sa gagawing constitutional reforms.

Ito ang ikalawang pagkakataon na ginanap ang pagdinig dito sa National Capital Region.

Sa unang pagdinig ang mga naging panauhin ay mga legal experts at luminaries na hati ang pananaw kung aamyendahan ang saligang batas o charter change.

Tatlong paraan ang inilatag ng komite para amyendahan ang batas ito ay sa pamamagitan ng constitutional convention, constituent assembly at peoples participation.

Ang pagdinig ngayong araw ay continuation of deliberation sa mga pending measures at iba pang general issues sa Constitutional reform.

Samantala, binigyang-diin naman ni Kabayan Party List Rep. Ron Salo na panahon na para amyendahan ang saligang batas dahil hindi na nakatutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino ang ilan sa probisyon.

Batay sa House Bill No. 6920 na inakda ni Salo, nanawagan ito sa pagdaraos ng isang constitutional convention bilang paraan sa pag amyenda sa 1987 constitution.