-- Advertisements --

Nakakabalik na sa pre-pandemic levels ang bilang ng mga pinapadeploy na mga seafarers.

Ayon sa Department of Migrant Workers na umabot sa halos 400,000 na mga Pilipinong Marino ang nakapaglayag noong 2022.

Noong 2019 kasi ay umabot sa mahigit kalahating milyon ang bilang ng mga Pilipinong marino ang nakakapaglayag subalit ito ay bumaba ng 200-K lamang dahil sa COVID-19 pandemic.

Naniniwala si DMW Undersecretary Hans Leo Cadac na may malaking tulong ang ginawa nilang kauna-unahang seafarers job fairs para makabalik na sa pre-pandemic ang bilang ng mga marinong naglalayag.