KORONADAL CITY – Nagsasagawa sa ngayon ng validation kaugnay sa danyos ng weak El Nino phenomenon sa probinsiya ng South Cotabato ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng probinsya.
Ito ang inihayag ni South Cotabato PDDRMO Officer Mila Lorca.
Ayon kay Lorca, layunin ng nasabing validation na malaman kung kinakailangan nang ideklara ang state of calamity sa buong probinsiya.
Ito rin umano ay kasunod ng una na nang pagdeklara ng state of calamity sa mga bayan ng Surallah at T’boli kung saan umabot na sa mahigit P47 million ang nasirang mga pananim dahil sa tagtuyot.
Dagpag pa ni Lorca na kung tuluya nang maideklara ang state of calamity sa probinsiya, magagamit na ang calamity fund para apektadong magsasaka.
Samantala, sinuspindi muna ng provincial agriculture office ang pamimigay ng planting materials sa mga magsasaka bilang pagpapatupad ng Plant Now Pay Later Scheme sa South Cotabato.
Paliwanag ni Provincial Agriculturist Justina Navarete, ito ay dahil sa weak El Nino phenomenon at election ban.
Tiniyak naman ni Navarete na handa silang ipagpapatuloy ang pamimigay ng seedlings pagkatapos ng eleksyon at kung bumuti na ang lagay ng panahon sa Mayo.