Nagpaabot ng suporta si House Speaker Lord Allan Velasco sa panawagang mag-deklara ng “climate emergency” ang pamahalaan kasunod ng serye ng mga bagyo na tumama sa bansa mula noong Oktubre.
Sa isang statement, binigyang diin ni Velasco ang kanyang suporta sa House Resolution No. 1377, na layuning himukin ang national at local government units na magpatupad ng environmental management laws.
“Declaring a climate emergency means recognizing that climate crisis is the fight of our lives and there is an urgent need for a massive-scale mobilization to protect Filipinos and the environment from climate change and its devastating impacts,” ayon sa House Speaker.
Ani Velasco, magbibigay daan ang “climate emergency” sa katuparan ng mga kinakailangang paghahanda sa mga darating pang kalamidad sa bansa.
“There will be more typhoons to come our way, and we have to become better at preparations and in handling situations that call for sound judgment to prevent devastation, deaths, and economic costs of calamities,” dagdag ng Marinduque representative.
Pinakahuling tumamang sama ng panahon si bansa si bagyong Ulysses na umabot sa P16-billion ang halaga ng pinsala.
Bago nito nanalasa rin sa malaking parte ng Luzon sina bagyong Quinta, Siony, Tonyo at Super Typhoon Rolly.
Sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang Cagayan Valley ang nagtamo ng pinakamalaking pinsala na umabot sa P4.5-billion danyos.