-- Advertisements --

Patuloy ang pagbuhos ng pagdarasal para sa agarang paggaling matapos na ibunyag ni PBA veteran player LA Tenorio na mayroon itong stage 3 colon cancer.

Nanguna dito ang kaniyang koponan na Barangay Ginebra kung saan emosyonal sila sa kanilang ensayo para sa semifinals ng PBA Governors Cup.

Sa kani-kanilang mga social media accounts ay nagpaabot rin ang kapwa basketbolista ganun din ang ilang mga atleta, showbiz personalities at maging ang mga pulitiko at fans nito ay nagpaabot ng pagdarasal.

Paglilinaw naman ng 38-anyos na si Tenorio na hindi muna ito magreretiro at tiniyak niya na babalik siya sa paglalaro kapag tuluyan na niyang matalo ang nasabing sakit.