-- Advertisements --
PITX1

Binigyang diin ng isang opisyal na ang pagdagsa ng mga manlalakbay sa mga transportation hub ay nananatiling mapapamahalaan sa gitna ng pagmamadali nilang umuwi para sa Semana Santa.

Sinabi ni Police Major General Edgar Alan Okubo, hepe ng National Capital Region Police Office, na walang “untoward incidents” na naiulat sa Parañaque Integrated Exchange (PITX) Terminal.

Aniya, may mga naideploy na rin umano silang mga tauhan upang panatilihin ang seguridad ng mga mananakay sa nasabing terminal.

Tinatayang nasa 130,000 na mga pasahero kasi ang inaasahang dadagsa sa Parañaque Integrated Exchange ngayong linggo.

Una nang inilabas ng terminal ang Provincial Trip Operations Schedule para sa ngayong araw hanggang Abril 8.