-- Advertisements --
MT Princess Empress

Nilinaw ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Rear Admiral Armand Balilo na walang nakitang paglabag ang kanilang tanggapan sa pagtawid ng lumubog na MT Princess Empress sa Verde Island passage.

Kasunod ito ng pagkuwestyon ng ilang opisyal mula sa Oriental Mindoro sa pagdaaan ng malaking cargo vessel sa maliit na bahagi ng dagat.

Nakahanda naman silang ipatupad ang anumang pagbabago, basta may basehan itong kautusan mula sa mga kinauukulang tanggapan.

Una nang hiniling ng lokal na pamahalaan ng Oriental Mindoro na alisin sa ilang bahagi ng kanilang probinsya ang daanan ng malalaking barko upang mabigyan ng prioridad ang pinalalakas nilang kampanya para sa turismo.

Pero dahil sa pagtagas ng langis, pinaniniwalaang malaking kalugihan ang dulot nito sa tourism industry ng lalawigan.