-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na kanilang naabot ang target na P285 bilyon na revenue collections noong 2023.
Sinabi ni PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco na ang gross gaming revenue ay tumaas ng 33 percent na P285.27 bilyon nitong 2023 na malinaw na nahigitan ang target nila na P273 bilyon.
Ang nasabing halaga ay mas mataas noong 2022 collection na mayroon lamang na P214.34-B.
Isa sa itinuturing nilang dahilan nito ay ang ginawang pagbabago sa regulatory policies para magkaroon ng attractive gaming at entertainment hub ang bansa.