Isinusulong ng chairman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ang paglikha ng isang independent body para maregulate ang operasyon ng e-sabong sa bansa.
Aminado si Pagcor chair Atty. Andrea Domingo na malaki ang kontribusyon ng e-sabong na nasa 8% hanggang 10% ng kabuuang income ng korporasyon subalit ang mga kontrobersiya aniya na iniuugnay sa e-sabong ay nakaapekto din ng 90% sa operasyon nito.
Ayon kay Domingo kailangan ng hiwalay na lupon para magpokus sa e-sabong dahil ang operasyon nito ay nasa hybrid set-up.
Paliwanag ni Domingo na mayroong mga traditional operations na kontrolado ng LGUs subalit ang kontrol lamang aniya ng Pagcor ay ang online e-sabong.
Inihalimbawa dito ni Domingo ang e-sabong na nangyari noong Holy Week na kinuwestyong ng mga Senador. Aniya, nangyari ang e-sabong dahil inisyuhan ng mayors ng permits na nagpapahintulot ng traditional cockfighting.
Kayat kung mayroong isang independent body na hahawak dito ay masasala at masusuri ang mga operasyon ng e-sabong.