-- Advertisements --

Hindi pa naibibigay ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng kanilang kontribusyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ngayong taon kasi ay target na makulekta ng PhilHealth ang nasa P188.66 billion mula sa PAGCOR at PCSO.

Sa ginawang pagdinig sa Senado ipinaliwanag ni PhilHealth officer-in-charg Eli Dino Santos na pinayuhan sila ng Deparment of Budget Management (DBM) na dapat ay maunang mairemit ang mga kontribusyon sa Bureau of Treasury bago direkta sa Philhealth.

Maibibigay ito sa Philhealth sa pamamagitan ng General Appropriations Act.

Noong nakaraang taon ay aabot sa P171.17 bilyon ang kanilang nakulekta kung saan P90 bilyon dito ay mula sa direct contributors.