Tinalakay ang mga paraan para mas mapalakas pa ang ugnayan sa pagitan ng Germany at ng Probinsya ng Cebu kasabay ng pagbisita ng dalawang German envoy nitong Miyerkules, Oktubre 19, kay Cebu Gov. Gwendolyn Garcia.
Ito ay sina Ambassador Petra Sigmund at German Ambassador to the Philippines Anke Reiffenstuel.
Kabilang sa napag-usapan ang pagbubukas ng mga direct flights mula Germany papuntang Cebu at vice versa.
Inihayag pa ni Garcia na isa pa umanong magandang simula ang pagbubukas ng nasabing ruta.
Sinag-ayunan naman ito ni Sigmund at tiniyak na ipaabot ang nasabing usapin sa mga airline companies ng Germany.
” We hope to have more tourists from Germany coming to Cebu, and in the course of that, we think it’s a reasonable suggestion to look into the possibility, saad ni Sigmund.
Samantala, naitala ang mahigit 2,000 turista ang nagmumula sa Germany o 1.24% ng kabuuang tourist arrivals sa Pilipinas noong nakaraang taon.