-- Advertisements --
BI bureau of immigration

Handa na raw ang Bureau of Immigration (BI) matapos ang panukalang dagdagan ang arrivals cap para sa mga international passengers para ma-accommodate ang mga returning overseas Filipinos.

Sa isang statement, sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na nagbigay na ito ng direktiba sa Port Operations Division ng BI na magsagawa ng assessment sa manpower na kailangan para matugunan ang panukalang pagdagdag ng bilang ng mga dadating na oversease Filipino workers (OFWs).

Una rito, inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na plano nilang dagdagana ang arrival cap sa pamamagitan ng alternative gateways sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Clark International Airport at Mactan-Cebu International Airport.

Kampante naman daw si Morente na walang magiging problema sa deployment ng mga BI officers dahil mayroon silang na-hire ngayong buwan na 99 na bagong tauhan.

Ang naturang mga immigration officers ay naka-deploy na ngayon sa NAIA na sumasailalim na sa on-the-job traning bago ang kanilang full deployment sa mga immigration counters.

“With the recent hiring of almost a hundred immigration officers, we are confident that we can supply the needed manpower for the possible increase in arrivals,” ani Morente.

Maliban dito, mayroon din umanong mga bagong hire na immigration officers na inaasahang sasailalim sa training sa katapusan ng taon.

Sa ngayon, puspusan na raw ang pag-fast track ng BI sa aplikasyon ng mga nagnanais maging immigration officers dahil na rin sa inaasahang pagbuhos ng international travellers sa papalapit ng holiday season.

“An additional batch of newly-hired immigration officers are expected to be trained by the year-end. We are currently fast tracking their application so they can be deployed in time for the increase of the number of international passengers,” dagdag ni Morente.

Umaasa naman si Morente na manunumbalik na ang pagsigla ng mga international travel dahil na rin sa agresibong vaccination campaing ng pamahalaan.