-- Advertisements --
Ibinasura ng Court of Appeals (CA) Special Eleventh Division ang hiling ng Office of Solicitor General (OSG) na buhayin ang kasong kudeta laban kay dating Sen. Antonio Trillanes IV.
Ayon sa ruling na isinulat ni Associate Justice Edwin Sorongon, na sinang-ayunan din nina Associate Justices Perpetua Susana Atal-Paño at Raymond Reynold Lauigan, walang nakitang pag-abuso nang ibasura ng Makati court ang unang hirit ng Department of Justice (DoJ) ukol sa lumang kaso ni Trillanes.
Nag-ugat ang kaso sa dating reklamo laban sa dating sundalo na nag-aklas.
Wala ring nakitang pagsadya ang CA nang hindi maipresenta ni Trillanes ang orihinal na kopya ng kaniyang natanggap na amnestiya, lalo’t halos isang dekada na matapos na maigawad ito sa kaniya.