Target ngayon ng Department of Education (DepEd) na buksan ang susunod na school year sa Agosto 23 ngayong taon.
Ayon kay DepEd Usec. Diosdado San Antonio, dahil sa naturang petsa ay mababawasan ang bakasyon ng mga estudyante na mula sa dalawang buwan ay magiging anim na linggo na lamang.
Dagdag ni San Antonio, naghahanda na rin daw ang DepEd ng tinatawag na “ideal scenario” sa susunod na school year.
Ang kanilang ideal scenario raw ay payagan na ang mga batang magpunta sa mga paaralan kahit paminsan-minsan at may inihahanda na rin daw ang DepEd na stratehiya para rito.
Tuloy-tuloy naman daw ang in-person classes na ipinatutupad ng DepEd.
Siniguro na rin ng education official sa publiko na magiging responsive na raw ang DepEd sa susunod na school
At dahil na rin daw sa karanasan sa pagsasagawa ng distance learning ngayong pasukan, makakagawa na rin daw ang mga kasamang guro at mga principal ng mas mainam na paraan para ang mga bata ay hindi masyadong mahirapan sa kanilang pag-aaral.
Ang klase sa bansa ay karaniwang nagsisimula sa buwan ng Hunyo pero inilipat ito sa Oktubre noong nakaraang taon para mabigyan ng mas maraming oras ang education system ng bansa na magsagawa ng distance learning.
Ipinatupad ito dahil na rin sa nararanasang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.