-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakahanda na ang mga security forces sa kanilang ipapatupad na seguridad sa pagbubukas ng Pasko Fiesta sa Davao bukas, Nobyembre 22.

Sinasabing nasa 100 security forces ang idedeploy sa month-long Pasko Fiesta 2019 para masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Ayon kay Angel Sumagaysay, head ng Public Safety and Security Command Center, nakahanda na ang kapulisan at augmentation na mula sa Police Regional Office 11.

Aasahan kasi aniya na dadaluhan ng maraming tao ang opening ng isa sa pinakamalaking highlights sa pagdiriwang ng kapaskuhan sa lungsod.

Samantala, sinabi ni Davao City Police Office Director Police Colonel Kirby John Kraft, na ipapakalat nila ang mga personahe ng San Pedro Police Station at Sta. Ana Police Station para tumulong sa pagpapatupad ng seguridad sa San Pedro Square na isa sa mga idineklarang maximum security zone sa lungsod.

Ayon pa kay Kraft, temporaryong idedeploy ang mga tauhan ng San Pedro Police at Sta. Ana Police Stations sa lugar para matiyak ang kapayapaan sa kasagsagan ng selebrasyon.