Magsisimula na ang operasyon ng pagawaan ng lithium iron phosphate sa New Clark City sa Capas, Tarlac matapos pangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang inagurasyon ng StB Giga Factory ngayong araw.
Ang Giga Battery Manufacturing plant ay funded ng Australia-bases venture capital firm na StB Capital Partners, isa ito sa mga investment pledges na nakuha ni Pangulong Marcos sa Philippine Business Mission sa nakalipas na byahe nito sa Australia noong March 2024.
Inaasahang makakapag produce ang naturang paktorya ng anim na libong electric vehicle battery kada taon o 60,000 home batteries. At pagsapit ng kanilang full production capacity sa taong 2030, target nila itong itaas sa 18,000 EV batteries o 400,000 home battery system kada taon.
Plano ng kompanya na i-export ang 70% ng kanilang output production sa bansang Australia, Southeast Asia, at North America habang ang natitirang 30% ay idi-distribute na dito sa Pilipinas.
Dahil dito inaasahang magbubukas ito ng 2500 na direct at indirect jobs para sa mga Pilipino. Sa bilang na ito 500 ang iha-hire na mga Filipino engineer, technical, finance at administrative personnel.
Samantala ang StB GIGA ang kauna-unahang locator sa 120-hectares Filinvest Innovation Park na bahagi ng mahigit syam na libong ektaryang industrial park sa loob ng Clark Freeport and Special Economic Zone.