Nakatakdang buksan na sa publiko ang moderno at mala-world class na Manila Zoo sa Nobiyembre 21.
Ayon kay City Mayor Honey Lacuña, ito ay para bigyang-daan ang pinal na preparasyon sa muling pagbubukas ng makabagong Manila Zoo.
Kayat ipinagpaliban muna ang inisyal na planong pagbubukas ng Zoo sa Nobiyembre 15.
Magiging bukas ang Manila Zoo mula 9am hanggang 8pm kung saan may cut-off ng pagpasok sa Zoo dakong alas-6 ng gabi.
Hindi na magiging libre ang pagpasok sa Zoo dahil may admission fees na subalit nauna ng tiniyak ng alkalde na mabibigyan pa rin ng diskwento ang mga Manilenyos, mga estudyante, senior citizen at person with disabilities.
Para sa mga residente ng lungsod ang admission fee ay P150 habang P300 para sa mga non-residents, sa mga mag-aaral na residente ng lungsod naman ay P100 at P200 sa non-residents, habang may 20% naman na diskwento para sa mga senior citizen at PWD.
Ang mga batang dalwang taong gulang naman pababa ay makakapasok sa zoo ng libre.
Magugunitang nagsagawa ng unang soft opening ang Zoo noong Disyembre 30 ng nakalipas na taon matapos ang multi-billion rehabilitasyon sa limang ektaryang Zoo sa ilalim ni dating Mayor Isko Moreno.
-- Advertisements --