Inaasahan nang magbubukas anumang araw mula ngayon ang mga borders sa Egypt para sa mga Pilipinong lumikas doon mula sa Gaza City, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Sa gitna ito ng digmaang sa pagitan ng Israeli Defense Forces at militanteng grupong Hamas.
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, isa rin sa mga isinaalang-alang ngayon n ahensya ay ang pagkaubos na ng mga pagkain ng mga Pinoy na na-stranded sa Gaza, habang may ilan naman ang umano’y napipilitan nang kumain ng mga panis na tinapay.
Aniya, mauubusan talaga ng suplay ang mga Pilipino kungmananatili lamang ang mga ito malapit sa Rafah Border Crossing kung kaya’t kailangan nilang magpalipat-lipat ng lugar para makahanap ng masisilungan at makakain.
Dahil dito ay nagpapatuloy ang pakikipag-ugnayan ngayon ng Israelis at Egyptians para sa pagpo-prosesong ito sa kadahilanang ayaw din nilang makapasok sa Egypt ang pag-atake ng mga Hamas.
Kung maaalala, nasa 135 pa na mga Pilipino ang nasa Gaza, habang 92 na ang humiling na mapauwi sa bansa sa gitna ng digmaan sa pagitan ng Israel at Palestinian militant group na Hamas.