Sa kauna-unahang pagkakataon, mabibigyan ng pagkakataon ang mga preso na makaboto para sa barangay at Sangguniang kabataan ngayong taon.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) chairperson George Garcia nakipagkita ito sa mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kung saan tinalakay ang BSKE.
Paliwanag ng Comelec chair na ang mga persons deprived of liberty na hindi pa nabibigyan ng pinal na hatol o ang mga kaso ay kasalukuyang dinidinig pa sa mga korte ang maaaring makaboto sa ilalim ng batas.
Ayon pa sa opisyal, nasa 936 PDLs ang nakarehistrong mga botante sa minimum, maximum at medium security facilities sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa city.
Papayagan ding mang-iwan ang mga kandidato ng kanilang campaign paraphernalia sa mga piitan na ipapamahagi sa mga preso.
Gayundin papahintulutan ang media personnel, citizen’s arm ng Comelec at international observers na idokumento ang pagboto ng PDLs sa araw ng halalan.