-- Advertisements --

Tuluyan na ring pinayagan ng Inter Agency Task Force (IATF) ang inter zonal movement ng mga gustong bumiyahe ngayong nasa kalagitnaan pa rin ang bansa sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, puwede na raw bumiyahe ang mga kababayang nasa enhanced community quarantine (ECQ) classification sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ito ay para na rin umano sa mga movement ng mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) maging ng mga non-APOR sa lugar na nais nilang puntahan.

Pero ayon kay Roque, dapat ay masunod pa rin ang mga health protocol sa pagbiyahe.