-- Advertisements --
image 150

Kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang pagbili ng Philippine Coast Guard (PCG) ng mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P4.9 million nang walang approval ng Department of Budget and Management (DBM).

Gayundin ang pagbili ng brand new na sasakyan kahit na marami na itong mga fleet o sasakyang pandagat na nasa mahihigit 400.

Sa 2022 audit report, ipinag-utos ng state auditors sa PCG na magsecure ng post-facto approval mula sa DBM dahil ang binili ng ahensiya noong 2022 na Toyota Land Cruiser Prado ay pasok sa definition ng luxury vehicle sa ilalim ng Administrative Order (AO) No. 14.

Ayon pa sa State auditors, base sa sales invoices ng sports utility vehicle (SUV) na mayroong engine displacement na 3956 CC at makina na six cylinders, ang sasakyan ay itinuturing na ‘luxury vehicle'” sa ilalim ng naturang AO.

Ang AO 14 ay ang MalacaƱang order na inisyu noong termino pa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabaw sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno mula sa pagbili o paggamit ng mamahaling sasakyan para sa kanilabg mga operasyon.

Sinabi din ng komisyon na nagrequest ang PCG na gawing bulletproof ang sasakyan na nagkakahalaga ng P2.8 million.

Binili din aniya ang sasakyan gamit ang 2021-2022 fuel rebates from Petron Corp.

Bilang tugon naman sa COA, sinabi ng PCG na kailangan ng kanilang ahensiya ang armored SUV upang matiyak ang ligtas at secured na transportasyon ng Commandant.

Binigyang diin din ng PCG ang pangangailangan sa karagdagang sasakyan upang suportahan ang kanilang expanding operations at services.