-- Advertisements --

Dapat maikonsidera ni Justice Secretary Boying Remulla ang pagibitiw sa kaniyang puwesto upang mapanatili ang intergidad ng ahensya.

Ito ang pananaw ng political analyst ni Atty. Michael Henry Yusingco kaugnay sa pagkakaaresto ng anak ng DOJ Secretary na si Juanito Jose Diaz Remulla III matapos na masangkot sa importasyon ng P1.3 milyong halaga ng kush.

Aniya ito ay malaking usapin na hindi dapat maisantabi at hindi rin dapat manatili sa isang sulat pahayag lamang ang mailalabas ng Kalihim ukol sa naturang insidente.

Maaari aniyang makompromiso ang tungkulin ng ahensya kung mananatili sa pwesto si Remulla habang nagpapatuloy ang paglilitis sa kanyang anak dahil sa ilegal na droga.

Kung maihahambing din umano sa mga bansang Japan o South Korea mayroon aniyang tinatawag na “delikadeza” kung saan ang mga ospiyal ng gobyerno naa nasasangkot na kahalintulad na insidente ay agad agad na nagbibitiw sa kani-kanilang pwesto.

Dagdag nito na tiwala ng publiko ang maaapektuhan kung walang maipapakita ang pamahalaang aksyon sa naturang departamento.

Pagsasaad pa nitong dapat ay magkaroon din ng aksyon ang mismong Pangulo hinggil rito ng maipreserba ang integridad ng kaniyang administrasyon lalo na’t si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang nagpahayag na seryoso ito sa kaniyang laban kontra ilegal na droga.