Bahagyang naantala ang pagbibigay testimonya ni US Secretary of State Antony Blinken sa Senate Appropriations Committee matapos na umeksena ang ilang protesters na nanawagan ng tigil putukan sa Gaza.
Ang testimonya ni Blinken ay bahagi ng supplemental funding request ng national security ni US President Joe Biden sa Israel.
Makailang ulit itong naantala ng magsigawan ang mga protesters na dapat ay huwag makialam ang US sa giyera sa Israel.
Maging ang pagbibigay testimonya ni Secretary of Defense Lloyd Austin ay nagsigawan din ang mga protesters.
Ang mga protesters umano ay galing sa organisasyon na CODEPINK na isa sa mga miyembro nito ay ang 29 years na US Army veteran at dating diplomat Col. Ann Wrigth at si David Barrows na sila ay inaresto dahil sa pag-iingay sa nasabing pagdinig.