-- Advertisements --

Nilinaw ng US government na ang kanilang mga ibibigay na mga bakuna ay base sa mga pangangailan ng isang bansa at walang anumang kapalit.

Sinabi ni Deputy Secretary of State Wendy Sherman na base kay US President Joe Biden na ang pamamahagi nila ng 80 milyon doses ay bilang patuloy na pangako ng US sa global public health at walang anumang kapalit na anumang political favors.

Nasa Bangkok si Sherman bilang bahagi ng kaniyang unang biyahe bilang Deputy Secretary kung saan magtutungo rin ito sa Brussels, Ankara, Istanbul, Jakarta, Phnom Penh at Honolulu.

Magugunitang nauna ng sinabi ng White House na magbibigay ng 60 milyon doses ang US ng bakuna na gawa ng AstraZeneca sa ibang bansa.