-- Advertisements --
Pimentel Koko

Sinisikap ng Senate minority bloc na maiwasan ang posibleng simula ng isang “practice” ng pagbibigay sa Department of Education ng confidential fund.

Hiniling ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa Kongreso na maglaan ng P150-milyong confidential fund sa departamento ng edukasyon, na sinasabing ang pera ay para matugunan ang mga ilegal na aktibidad na nagta-target sa mga estudyante.

Gayunpaman, sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na hindi nakaugalian sa DepEd na tumanggap ng naturang pondo.

Ipinunto ni Pimentel na ang confidential fund ay isang uri ng lump sum at mayroon lamang “motherhood category,” na aniya ay labag sa diwa ng line-item budgeting na nakasaad sa Konstitusyon at mga desisyon ng Korte Suprema.

Ipinauubaya na ngayon ni Duterte sa Kongreso kung ibibigay o hindi ang confidential fund ng DepEd.