Tinatarget ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na baklasin na ang lahat ng mga campaign paraphernalia na nakapaskil sa buong Metro Manila sa pagtatapos ng linggong ito.
Sa datos ng kagawaran, sa kasalukuyan ay nasa kabuuang sa 470 toneladanh na ng mga campaign materials na ang nakolekta na ng kagawaran na mula noong Mayo 9.
Samantala, bagama’t wala nang nakitang nakapaskil na mga election materials ang DILG sa ilan sa kanilang mga binisitang lugar ay patuloy na nanawagan si DILG Usec. Epimaco Delsing III sa publiko na agad na iulat sa kagawaran sakaling may mamataan pa rin na mga nakapaskil na mga ganito dahil matagal na aniyang natapos ang deadline na kanilang itinakda sa mga LGU upang baklasin ang mga ito.
Ayon kay Epimaco, pagpapaliwanagin ng DILG ang mga LGU na bigong makasunod dito atsaka nito pagdedesisyunan ang susunod na aksyon nila dito depende kung magiging katanggap-tanggap man ang paliwanag ng mga ito.
Magugunita na una rito ay nanawagan at nagbabala na rin sa lahat ng mga kumandidato si Comelec Commissioner Rey Bulay na tulungan ang mga LGU at MMDA na magligpit ng lahat ng kalat na iniwan ng nagdaang eleksyon.