-- Advertisements --

Ikinalugod ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagbagal ng inflation rate sa buwan ng Mayo 2023.

Ayon kay Speaker Romualdez ang naitalang 5.4% inflation rate sa buwan ng Hunyo ay patunay na nagbubunga na ang maayos na pamamahala at epektibong polisiya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

“This continued drop in inflation can be attributed to President Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr.’s strong political will and the administration’s sound economic policies. From a high of 8.7% at the start of the year, inflation had been tamed to 6.1% in May, and dropped again in June at 5.4%,” ani Speaker Romualdez.

Ang naitalang 5.4% headline inflation nitong Hunyo ang pinakamababa sa loob ng 13 buwan.

Ayon kay Speaker Romualdez ang 2023 national budget ay nakatuon sa mithiin ni Pangulong Marcos na mapalakas ang purchasing power ng mga Pilipino at naramdaman ito sa unang anim na buwan ng taon.

“Lowering the inflation rate is a necessary offshoot of boosting our people’s purchasing power. And the Marcos administration has achieved that effectively,” wika ni Speaker Romualdez.

Binigyang-diin ni Speaker na ang Kamara ay gumawa rin ng mga hakbang upang matukoy ang sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Kasama na dito ang imbestigasyon sa smuggling ng sibuyas at iba pang produktong agrikultural at pagkontrol sa suplay nito upang tumaas ang presyo.

Ayon sa lider ng Kamara nakatulong upang mapababa ang halaga ng batayang bilihin at maibsan ang food inflation.

“We will continue to work on measures to ensure that the prices of goods and basic commodities remain affordable to the Filipino people,” ayon pa sa House Speaker.

Dagdag pa ni Speaker, batay sa kanilang pagtaya na magpapatuloy pa ang pagbaba ng inflation hanggang sa katapusan ng 2023.