-- Advertisements --

NAGA CITY – Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagbaril-patay sa isang magsasaka sa bayan ng Siruma, Camarines Sur.

Una nang kinilala ang naturang biktima na si Jose Tubale, 40-anyos, residente ng Brgy. San Ramon sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Police Capt. Rommel San Andres, hepe ng Siruma Municipal Police Station (MPS), napag-alaman na habang nakikipag-inuman ang biktima sa bahay ng isang Sofronio Flores kasama ang isang Noel Catalla ng ito ay bigla na lamang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nagkaroon ng circular wound na nasa 1 cm na mayroong contusion hematoma isang pulgada sa may kanang bahagi mula sa lateral exit ng kilay ng biktima dahil sa tama ng bala ng baril sa kaniyang ulo.

Samantala, agad naman umanong nakatakas ang suspek matapos ang krimen.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagtukoy ng mga otoridad sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek.