-- Advertisements --
Tiniyak ng Malacanang sa publiko na ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabalik ng operasyon ng Small Town Lottery (STL) ay hindi magdudulot na mas malawakang kurapsyon.
Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, na sa kondisyon na inilatag ng Palasyo ay tiyak na mababantayan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pondo sa mga STL operators.
Umaasa na rin sila na hindi na maloloko pa ng mga STL operators ang PCSO.
Magugunitang tinanggal na ng pangulo ang suspension ng STL mahigit isang buwan mula noong ito ay kaniyang sinuspendi.