-- Advertisements --

Ikinatuwa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbaba ng unemployment rate sa bansa.

Lumabas kasi sa Labor Force Survey mula sa Philippine Statistics Authority na mayroong 3.44 milyon o katumbas ng 7.1 percent ang walang trabaho noong Marso na ito ay mas mababa ng 8.8 percent noong Pebrero.

Ito na ang pinakambabang unemployment rate mula ng tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa.

Isa aniya itong senyales na bumabalik na ang sigla ng ekonomiya ng bansa dahil dumarami na ang mga nagbubukas na mga kumpanya.

Lumabas din sa survey na mayroong 2.18 milyon na mga manggagawa ang nadagdag sa mga nagkaroon ng trabaho na umabot na ngayon sa 45.33 milyon o katumbas ng 92.9 percent employment rate noong Marso kumpara sa 43.15 milyon noong Pebrero.

Bumaba rin ang underemployment o mga yung mga may trabaho pero hindi tugma sa tinapos nilang kurso kung saan mayroong 7.85 milyon noong Pebrero na naging 7.34 milyon na noong Marso.