-- Advertisements --

Suportado ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang pinababang height requirement sa mga aplikanteng pulis.

Ito’y matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act no. 11549 o ang batas na nagbababa sa minimum height requirement ng mga papasok sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, at Bureau of Corrections.

Ayon kay Eleazar, hindi dapat malimitahan sa height ang pagtanggap ng pulis.
Depende kasi.umano ito sa dedikasyon at kwalipikasyon.

Masaya umano siya sa pagkakapasa ng batas dahil pwedeng dumami ang mga aplikante sa PNP.

Nabatid na ilalim ng batas, mula sa kasalukuyang 1.62 meters para sa mga lalaking aplikante, ibinaba na ang minimun height requirement sa 1.57 meter.

Mula naman sa kasalukuyang 1.57 meters na minimum height para sa mga babaeng aplikante, ibinaba na ito sa 1.52 meters.