-- Advertisements --
japan economy 2

NAGA CITY – Itinuturong isa sa mga dahilan ng pagbagsak ng economiya sa bansang Japan ang pagbaba ng consumption rate ng mga residente dito.

Sa report ni Bombo International Correspondent Hershey Nazrishvili mula Japan, sinabi nito na dahil sa coronavirus disease ay mas pinipili na lamang ng mga tao rito ang manatili sa kanilang mga bahay.

Ayon kay Hershey, bumaba na umano ang pamasahe sa mga trasportasyon upang hikayatin ang mga turista.

Sa ngayon, ginagawa na umano ng Japanese government ang lahat upang balanseng matugunan ang pangangailangan ng bansa hindi lamang ang ekonomiya at turista nito ngunit pati narin ang mas pinahigpit pang pagpapaalala na mag-ingat sa virus.