-- Advertisements --

Nagpahayag ng pagka-alarma si Sen. Raffy Tulfo sa patuloy na pagdami ng Pilipinong nabibiktima ng illegal recruitment at human trafficking, kasabay ng pagdami ng online scams na umaakit sa mga naghahanap ng trabaho abroad.

Binanggit ng senador ang mga OFW na nawalan ng trabaho dahil sa krisis sa Middle East at nauuwi sa desperasyon, dahilan para madaling mabiktima ng mga ilegal na recruiter.

Nanawagan si Tulfo sa Department of Migrant Workers at iba pang ahensya na higpitan ang pagbabantay sa recruitment agencies at online job postings, pati na rin ang pagsasampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng mga scam.

Giit niya, kailangang mas mahigpit ang monitoring at mas mabigat na parusa upang matigil ang patuloy na pang-aabuso sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho abroad. (report by Bombo Jai)