-- Advertisements --
image 151

Masayang ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga kapwa niya lider sa ASEAN na nagkaroon na ng progreso kaugnay sa pag-uusap para sa pagbalangkas ng Code of Cnduct o coc sa West Philippine Sea.
Sa kaniyang intervention sa ginanap na 26th ASEAN-China
Summit, sinabi ng Chief Executive na ang maagang pagtatapos ng isang mahalagang COC nang naaayon sa international law, kabilang na ang 1982 unclos, ang nananatiling mithiin para sa ASEAN at ng China.
Sa nasabing pulong, itinutulak ng Malaysia at Singapore ang pagsasapinal ng COC.
Sinabi ng Pangulo, mahalaga na mapalakas din ang ASEAN connectivity, supply chain at maritime cooperation lalo pa at isang archipelagic nation ang Plipinas.
Binigyang-diin ng Pangulo na magkakaroon lamang ng paglago sa kooperasyon sa maritime domain kung may kapayapaan, seguridad, at katatagan sa rehiyon alinsunod sa international law.
Siniguro naman ng Pangulo na ipagpapatuloy lamang ng Pilipinas ang pagtataguyod sa 1982 united nations convention on the law of the sea o UNCLOS kung saan nakasandig ang lahat ng mga aktibidad sa mga karagatan.
Dahil dito muling nanindigan ang Pangulo sa commitment nito sa rule of law at mapayapang pagsasaayos ng anupamang hindi pagkakaunawaan sa West Philippine SEa.