-- Advertisements --
Mahigpit nang ipinagbabawal ang pag-uusap sa ibang pasahero at pagsagot ng tawag sa cellphone habang nasa loob ng mga tren ng LRT-2.
Ayon sa pamunuan ng LRT-2, iang hakbang na ito ay para maiwasan na rin ang pagkalat ang COVID-19.
Bukod pa ang hakbang na ito sa ipinapatupad na minimum health protocols tulad nang palagiang pagsuot ng face mask sa loob ng mga tren.
“Talking with other passengers and answering calls from your mobile devices are prohibited throughout your train journey to avoid possible droplet transmission,” saad ng pamunuan ng LRT-2 sa isang Twitter post.
Maging ang MRT Line-3 at LRT-1 ay nagsabi na rin na kanilang ipinagbabawal sa mga pasahero ang pag-uusap at pagsagot ng tawag sa cellphone.