Sunod na bubusisiin ng Department of Education (DepEd) ang Senior HIgh School program sa buwan ng Nobiyembre.
Ito ay matapos makumpleto na ng ahensiya ang pag-review sa Kinder, elementary hanggang Junior high school curriculum.
Sa katunayan, nagsimula na aniya ang pag-konsulta ng DepEd sa mga stakeholdrs kabilang ang mga private stakeholders at eksperto sa sektor ng edukasyon upang maiging masuri ang K to 10 curriculum.
Ayon kay Education Spokesperson Michael Poa, nakapokus ang K-10 sa learning competencies ng mga mag-aaral para matukoy ang pangangailangan ng mga estudyante. Gayundin nakasentro din ang curriculum sa foundational literacy at functional literacy.
Bagamat inamin naman ng DepEd official na hindi pa available sa ngayon ang komprehensibong resulta ng kanilang ginawang pag-review subalit kanialng itong ilalabas sa oras na masuri na ng mga stakeholders.
Umaasa naman ang opisyal na matatapos sa sa loob n isang taon o sa June 2023 ang pag-review sa K-12 na siyang direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos.