Suportado ng MalacaƱang ang panukalang pag-repeal na sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) para maiwasan ang korupsyon sa pagpapalaya ng mga preso.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagkakaroon ng korupsyon sa GCTA dahil may diskresyon ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) sa paggawad ng time allowance sa mga convicted criminals.
Ayon kay Sec. Panelo, hindi malinaw ang pagdetermina kung sino ang nagpakita ng good behavior o tamang pag-uugali sa loob ng kulungan kaya sinasamantala ng tiwaling BuCor officials.
Kaya mas mabuting pagsilbihan na lamang ng convicted criminal ang hatol o sentensya ng hukom.
Pero itatanong daw ni Sec. Panelo kay Pangulong Rodrigo Duterte kung ito na ang isusulong sa Kongreso o pag-amyenda lamang sa GCTA.
Sa ngayon, ilang amendatory bills na ang nakahain sa Kongreso para maiwasan ang kalituhan sa pagpapatupad ng batas.