-- Advertisements --

Ipagpapatuloy ng Commission on Elections ngayong umaga ang pag-imprinta ng mga balota na gagamitin sa 2023 barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ito ay matapos na naantala ang pag-imprinta ng mga balota sa National Printing Office dahil sa nagkaroon ng power supply interruption nitong tanghali ng Lunes.

Sinabi ni Comelec omelec spokesperson John Rex Laudiangco na base na rin sa kautusan ni Chairman George Garcia na base na rin sa transparency policies kaya temporaryo nila itong ipinahinto.

Dagdag pa nito na ang nawalan ng power supply ay ang CCTV at servers kaya minabuti nila na pansamantala itong ipahinto.

Pagtitiyak nito na maglalagay sila ng coverage teams para matiyak na maisagawa sa livestream ang printing sakaling hindi pa maayos ang CCTV.