Ipinagtanggol ni National Task Force (NTF) against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. ang direktang deal ng national government at itinuturing ng ilan bilang monopolyo sa pagbili ng bakuna.
Sa pagtatanong ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, inusisa nito si Galvez kung bakit hindi na lang buksan ang pagkakataon para sa mga lokal na gobyerno at pribadong sektor.
Pero tugon ng kalihim, pumasok lamang sa kasunduan ang mga vaccine manufacturers dahil sa emergency situation at tanging sa gobyerno lamang ang mga kasunduan ng pag-angkat.
Nangangamba naman si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na matulad sa kabagalan ng pagbili ng testing kits ang kahihinatnan kung centralized na naman ang pag-import ng bakuna.
Ngunit tugon ni Galvez, nakikipag-coordinate naman sila sa mga lokal na gobyerno, pero limitado ang kapasidad ng mga drug manufacturer na pumasok sa tripartite deals.










