Ipinagpaliban ng PAG-IBIG ang nakaplanong pagtaas ng kontribusyon sa 2024 upang mabawasan ang epekto ng pagtaas ng gastos sa mga Pilipino.
Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, sinususpinde hanggang 2024 ang planong P100 contribution hike, na pantay-pantay na paghahatian ng mga miyembro at employer.
Ngunit sinabi ni Acosta na ang konsultasyon sa mga employer ay magpapatuloy pa rin sa susunod na linggo upang ipakita sa kanila ang nakaplanong pagtaas para sa 2024.
Dagdag dito, ang mga plano para sa pagtaas sa 2024 ay ihaharap sa Pag-IBIG Board sa buwan ng Marso bago ang pagpapalabas ng mga alituntunin na itinakda noong June 2022.
Nauna nang sinuspinde ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) ang planong pagtaas ng kontribusyon ngayong taon sa utos ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. Marcos dahil sa mapanghamong kondisyon sa ekonomiya para sa kautusan.
Samantala, sinabi ni Social Security System President and Chief Executive Officer Michael Regino na kumpiyansa siyang hindi pipigilan ng Malacanang ang planong 1 percent increase sa kontribusyon ngayong taon.
Liban nito, inihayag niya na ang pagtaas ng kontribusyon para sa 2023 at 2025 ay makakatulong sa pagpapahaba ng actuarial life ng pondo hanggang 2054.