-- Advertisements --

Inanunsyo ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ang pagsuspinde sa nakatakdang pagtaas sa buwanang kontribusyon ng mga miyembro nito ngayong taon, dahil sa pangangailangang magbigay ng tulong pinansyal sa mga Pilipinong patuloy na nag-recover mula sa mga epekto sa ekonomiya ng pandemya.

Inihayag ni Jack Jacinto, department manager para sa public media affairs ng Pag-IBIG Fund, na ang planong pagtaas ng kontribusyon ng mga miyembro nito at kanilang mga employer mula P100 hanggang P150 ay ipagpaliban sa ikatlong pagkakataon.

Nagsimula ang nasabing development matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na ipagpaliban ang pagtaas ng mga premium rates at income ceilings na dapat magkabisa ngayong taon.

Unang naka-schedule na taasan ang mga kontribusyon ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund noong 2021 ngunit dahil sa pandemya, ito ay ipinagpaliban at muling nasuspinde noong 2022.

Kung maalala, ang huling pagtaas sa kontribusyon ng Pag-IBIG Fund ay noon pang 1986