-- Advertisements --
Tumaas ang bilang ng nakulektang home loan payments ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund mula Enero hanggang Mayo ngayong taon.
Ayon sa Pag-ibig na mayroon P31.97 bilyon ang kabuuang home loan payments ang kanilang nakulekta mula Enero hanggang Mayo.
Ang nasabing halaga ay mayroong 15% o P4.22 bilyon na mas mataas mula sa dating nakulekta nila noong nakaraang taon sa parehas na buwan.
Itinuturing din ng ahensiya na ito ay ang record-high na kanilang nakulekta mula Enero at Mayo.
Sinabi ni PAG-IBIG Fund CEO Marilene Acosta na ang nasabing bilang ay bunsod ng pinaiting nilang hakbang para makulekta ang mga home loan.
Tiwala ito na malalampasan nila ang kanilang target collection ngayong taon.