Naniniwala ang ekonomistang si Michael Ricafort na maaabot ng pamahalaan ang target nitong upper-middle-income status sa lalong madaling panahon sa pamamagitan ng iba’t-ibang reporma sa ekonomiya.
Ayon kay Ricafort, ang pagpapalakas sa produksyon ng agrikultura at manufacturing ang pangunahing makakatulong sa pamahalaan upang maabot ang inaasam na middle-income status sa mga susunod na taon.
Inihalimbawa ng ekonomista ang dami ng mga mangagawang nakikinabang sa dalawang sektor.
Aniya, 40% ng total employment sa bansa ay nasa agrikultura at manufacturing, at ang mas mataas na productivity sa dalawang nabanggit na sektor ay tiyak na maghahatid pa lalo ng mas maraming trabaho, at mas mataas na economic activity.
Sa pamamagitan nito, maaari aniyang maabot ng pamahalaan ang target nitong paglago sa ekonomiya, kasama na ang pag-abot sa upper-middle-income status ng hanggang sa 2026.
Naniniwala kasi ang ekonomista na makakayang abutin ng bansa ang naturang estado sa loob ng tatlo hanggang limang taon, lalo na kung maganda ang paglago ng ekonomiya.